Posts tagged durama.

Yung feeling na….

… hindi ka pinapansin ng taong gusto mo na pansinin ka. Ayaw mo naman magpapansin baka masabihan ka ng "Papansin naman neto!". Sira ang araw ko sa ganyang sitwasyon, yung hinahanap mo yung atensyon ng taong gusto mo. Nababaliw ka sa tuwing hindi siya nagpaparamdam sa’yo. Pero kailangan mong alalahanin na hindi kayo, friends lang kayo at hanggang doon nalang iyon. Gusto mo mang tanungin kung ano kalagayan niya para lang ipakita na mahal mo siya pero sumasagi sa isip ko na “baka isipin niya na Feeling ako kase close siya sa akin.” kaya nililimitahan ko na lang ang pagtatanong sa kanya. Gusto ko mang magsend ng message sa kanya di ko magawa kasi baka masabihan pa ako ng FC. Kaya hinihintay ko nalang siya. Sana pansinin mo naman ako - ang parating bulong ko sa sarili ko. 

#durama